Ang unang himala na nangyari sa desyerto (Exo 36:1-7)
1 “Si Bezalel, si Aholiab at ang lahat ng manggagawang binigyan ni Yahweh ng kaalaman at kakayahan ang gagawa ng lahat ng kailangan sa santuwaryo, ayon sa sinabi ni Yahweh.”
2 Tinawag ni Moises sina Bezalel, Aholiab, ang lahat ng binigyan ng kakayahan ni Yahweh at ang lahat ng nais tumulong at pinagsimula nang magtrabaho.
3 Ibinigay niya sa kanila ang lahat ng handog ng mga Israelita para sa gagawing santuwaryo. Patuloy pa rin sa paghahandog ang mga Israelita tuwing umaga,
4 kaya’t nagpunta kay Moises ang mga manggagawa.
5 Sinabi nila, “Napakarami na po ang ibinigay ng mga tao ngunit patuloy pa rin silang nagdadala.”
6 Kaya iniutos ni Moises, “Huwag na kayong magdala pa ng kaloob para sa gagawing santuwaryo.” Noon lamang tumigil ang mga tao sa pagdadala ng handog.
7 Gayunman, sumobra pa rin ang mga handog na naroon.
8 Lahat ng pinakamahusay na manggagawa ang gumawa sa Toldang Tipanan. Ang ginamit dito ay sampung pirasong kurtina na hinabi sa pinong lino at lanang kulay asul, kulay ube at pula na may burdang larawan ng kerubin.
9 Ang haba ng bawat piraso ay 13 metro at 2 metro naman ang lapad.
10 Ang mga ito ay pinagkabit-kabit nila nang tiglilima.
11 Gumawa sila ng mga silo na yari sa taling asul at ikinabit sa gilid ng bawat piraso,