2021 New Year Message – 3rd : Ang Field Nang Bakanteng Lugar Para Sa Summit (Mga Gawa 27:10-25)
10 Sabi niya, “Mga ginoo, sa tingin ko’y mapanganib na ang maglakbay mula ngayon, at mapipinsala ang mga kargamento at ang barko, at manganganib pati ang buhay natin.”
11 Ngunit higit na pinahalagahan ng kapitan ng mga sundalo ang salita ng may-ari at kapitan ng barko kaysa sa payo ni Pablo.
12 Dahil hindi mabuting tigilan ang daungang iyon kung panahon ng taglamig, minabuti ng nakararami na magpatuloy sila sa kanilang paglalakbay, sa pag-asang makarating sila sa Fenix at doon magpalipas ng taglamig. Ito’y isang daungan sa Creta, na nakaharap sa hilagang-kanluran at timog-kanluran.
13 Umihip nang marahan ang hangin buhat sa timog kaya’t inakala nilang maaari na silang umalis. Isinampa nila ang angkla at sila’y namaybay sa Creta.
14 Ngunit di nagtagal, bumugso mula sa pulo ang isang malakas na hangin na tinatawag na Hanging Hilagang-silangan.
15 Hinampas nito ang barko, at dahil hindi kami makasalungat, nagpatangay na lamang kami sa hangin.
16 Nang makakubli kami sa isang maliit na pulo na tinatawag na Cauda, naisampa namin ang bangka ng barko, ngunit nahirapan kami bago nagawa iyon.
17 Nang maisampa na ito, tinalian nila ng malalaking lubid ang barko. Ngunit natakot silang sumadsad sa buhanginan ng Sirte, kaya’t ibinabâ nila ang layag at kami’y nagpaanod na lamang.
18 Patuloy na lumakas ang bagyo; kaya’t kinabukasa’y sinimulan nilang itapon sa dagat ang mga kargamento.
19 At nang sumunod na araw, itinapon din nila ang mga kagamitan ng barko.
20 Matagal naming di nakita ang araw at ang mga bituin, at hindi rin humuhupa ang napakalakas na bagyo, kaya’t nawalan na kami ng pag-asang makakaligtas pa.
21 Dahil matagal nang hindi kumakain ang mga nasa barko, tumayo si Pablo at nagsalita, “Mga kasama, kung nakinig lamang kayo sa akin at di tayo umalis sa Creta, hindi sana natin inabot ang ganitong pinsala.
22 Ito ngayon ang payo ko, lakasan ninyo ang inyong loob sapagkat walang mamamatay isa man sa inyo! Kaya nga lamang, mawawasak ang barko.
23 Nagpakita sa akin kagabi ang isang anghel ng Diyos, ang Diyos na nagmamay-ari sa akin at siya kong pinaglilingkuran.
24 Sinabi niya sa akin, ‘Huwag kang matakot, Pablo! Dapat kang humarap sa Emperador. Alang-alang sa iyo’y ililigtas ng Diyos ang lahat ng mga kasama mong naglalakbay.’
25 Kaya, tibayan ninyo ang inyong loob, mga kasama! Nananalig ako sa Diyos na mangyayari ang lahat ayon sa sinabi niya sa akin.
Category Archives: New year Message
New year Message
2021 New Year Message – 2nd : Ang Field Nang Bakanteng Lugar Para Sa Healing (Jeremiah 33:1-9)
2021 New Year Message – 2nd : January 01, 2021 Ang Field Nang Bakanteng Lugar Para Sa Healing (Jeremiah 33:1-9)
1 Muling nagpahayag si Yahweh kay Jeremias samantalang ito’y nakabilanggo at mahigpit na binabantayan.
2 Ganito ang sabi sa kanya: “Ako ang lumikha, humugis at nag-ayos ng buong daigdig. Yahweh ang aking pangalan.
3 Kung mananalangin ka sa akin, tutugunin kita, at ipahahayag ko sa iyo ang mga bagay na dakila at mahiwaga na hindi mo pa nalalaman.
4 Ako, si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ang nagsasabi nito sa iyo. Gigibain ko ang mga bahay sa lunsod ng Jerusalem at ang palasyo ng hari sa Juda upang gamiting tanggulan laban sa sumasalakay na mga hukbo ng Babilonia.
5 Papasukin kayo ng mga kaaway, at marami ang mamamatay sa labanan sapagkat pupuksain ko sila sa tindi ng aking poot. Itinakwil ko ang lunsod na ito dahil sa kanilang kasamaan.
6 Ngunit pagagalingin ko silang muli. Hahanguin ko sa kahirapan ang Juda at Israel, at bibigyan sila ng kapayapaan at kasaganaan.
7 Ibabalik ko ang kanilang mga kayamanan at muli silang itatatag.
8 Lilinisin ko sila sa lahat nilang kasalanan at patatawarin sa kanilang paghihimagsik laban sa akin.
9 At dahil sa lunsod na ito’y matatanyag ang aking pangalan, pupurihin at dadakilain ng lahat ng bansa, kapag nabalitaan nila ang lahat ng pagpapalang ipinagkaloob ko sa kanila. Maaantig sila at mapupuno ng paghanga dahil sa mga pagpapala’t kapayapaang ibinigay ko sa aking bayan.”
2021 New Year Message – 1st : Ang Field Nang Bakanteng 237 Na Bansa (Genesis 39:1-6)
2021 New Year Message – 1st : Ang Field Nang Bakanteng 237 Na Bansa (Genesis 39:1-6)
1 Dinala nga si Jose sa Egipto at doo’y ipinagbili siya ng mga Ismaelita kay Potifar, isang Egipcio na pinuno sa pamahalaan ng Faraon at kapitan ng mga tanod sa palasyo.
2 Sa buong panahon ng paglilingkod ni Jose sa bahay ni Potifar ay pinatnubayan siya ni Yahweh. Anumang kanyang gawin ay nagtatagumpay.
3 Napansin ni Potifar na tinutulungan ni Yahweh si Jose,
4 kaya ginawa niya itong katiwala sa bahay at sa lahat niyang ari-arian.
5 Mula noon, dahil kay Jose ay pinagpala ni Yahweh ang buong sambahayan ni Potifar pati ang kanyang mga bukirin.
6 Ipinagkatiwala ni Potifar kay Jose ang lahat, maliban sa pagpili ng kanyang kakainin.