November 22, 2020 Ang Healing Nang Walang Panananpalataya sa Disyerto (Mga Bilang 11:31-35)
31 Si Yahweh ay nagpadala ng hanging may tangay na laksa-laksang pugo mula sa kabila ng dagat. Ang mga ito’y nagliliparan sa paligid ng kampo. Isang metro lang ang taas ng kanilang lipad mula sa lupa at ang lawak ay isang araw na lakarin sa kabi-kabilang kampo.
32 Lumabas ng kampo ang mga Israelita at nanghuli ng pugo hanggang kinabukasan; ang pinakakaunting nahuli ng isang tao ay aabot sa sampung malalaking sisidlan.[b] Ang mga ito’y ibinilad nila sa paligid ng kampo.
33 Ngunit bago pa lamang nila ito kinakagat, ibinuhos na ni Yahweh ang kanyang galit sa mga Israelita at siya’y nagpadala ng isang kakila-kilabot na salot.
34 Ang lugar na iyon ay tinawag na Kibrot-hataava sapagkat doon nalibing ang mga taong naging hayok sa karne.
35 Mula roon, nagpatuloy sila ng paglalakbay hanggang sa Hazerot.