November 15, 2020 Ang Mysterio nang Tatlong Fiesta at ang Simula nang Pagmamartsa (Mga Bilang 10:33-36)
33 At mula sa Bundok ni Yahweh, naglakbay sila nang tatlong araw. Ang Kaban ng Tipan ay iniuna sa kanila nang tatlong araw para ihanap sila ng lugar na pagkakampuhan.
34 Kung araw, nilililiman sila ng ulap ni Yahweh habang naglalakbay.
35 Tuwing ilalakad ang Kaban ng Tipan, ito ang sinasabi ni Moises:
“Magbangon ka, Yahweh, kaaway ay pangalatin.
Itaboy mo ang iyong mga kaaway
at magtatakbuhan sa takot ang lahat ng napopoot sa iyo.”
36 At kapag inihihinto na nila sa paglalakbay ang Kaban ng Tipan, ito naman ang sinasabi niya:
“Manumbalik ka, Yahweh, sa libu-libong angkan ng Israel.”