Si Joseph na Lumabas sa kanyang lumang frame (Genesis 37:1-11)
1 Si Jacob ay nanatili sa Canaan, sa lupaing tinirhan ng kanyang ama.
2 Ito ang kasaysayan ng sambahayan ni Jacob: Nang si Jose ay labimpitong taon na, nag-aalaga siya ng kawan kasama ng kanyang mga kapatid sa ama, ang mga anak nina Bilha at Zilpa, na mga asawang-lingkod ng kanyang ama. Alam niya ang masasamang gawain ng kanyang mga kapatid kaya’t ang mga ito’y isinumbong niya sa kanilang ama.
3 Mas mahal ni Israel si Jose kaysa ibang mga anak, sapagkat matanda na siya nang ito’y isinilang. Iginawa niya ito ng damit na mahaba at may manggas.
4 Nang mahalata ng mga kapatid ni Jose na mas mahal siya ng kanilang ama, kinamuhian siya ng mga ito at ayaw siyang pakisamahang mabuti.
5 Minsan, nanaginip si Jose at lalong namuhi ang mga kapatid niya nang ito’y ikuwento niya sa kanila.
6 Sabi ni Jose, “Napanaginipan ko,
7 na tayo ay nasa bukid at nagbibigkis ng trigo. Tumayo ang aking binigkis at yumukod sa paligid nito ang inyong mga binigkis.”
8 “Ano! Ang ibig mo bang sabihin ay maghahari ka sa amin?” tanong nila. At lalo silang nagalit kay Jose.
9 Nanaginip muli si Jose at isinalaysay sa kanyang mga kapatid ang ganito: “Nakita ko sa aking panaginip na ang araw, ang buwan at labing-isang bituin ay yumuko sa aking harapan.”
10 Sinabi rin niya ito sa kanyang ama, at ito’y nagalit din sa kanya. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ng ama. “Kami ng iyong ina’t mga kapatid ay yuyuko sa harapan mo?”
11 Inggit na inggit kay Jose ang kanyang mga kapatid. Inisip-isip namang mabuti ng kanyang ama ang mga bagay na ito.
Pingback: grindr gay dating website