1 Dumaan sina Pablo at Silas sa Amfipolis at Apolonia, hanggang sa makarating sa Tesalonica. Sa lunsod na ito’y may sinagoga ang mga Judio,
2 at ayon sa kinaugalian ni Pablo, siya’y pumasok doon. Sa loob ng tatlong linggo, tuwing Araw ng Pamamahinga, siya ay nakikipagpaliwanagan sa kanila tungkol sa Kasulatan.
3 Ipinaliwanag niya at pinatunayan na kinakailangang magtiis ang Cristo at muling mabuhay. Sinabi niya, “Ang Jesus na ito, na ipinapahayag ko sa inyo, ay ang Cristo!”
4 Naniwala at nahikayat na sumama kina Pablo at Silas ang ilan sa kanila, gayundin ang maraming kababaihang kinikilala sa lunsod, at ang napakaraming debotong Griego.
5 Ngunit nainggit ang mga Judio, kaya’t tinipon nila ang mga palaboy sa lansangan at sila’y gumawa ng gulo sa lunsod. Nilusob nila ang bahay ni Jason at pilit na hinanap sina Pablo at Silas upang iharap sa bayan.
6 Nang hindi nila matagpuan ang dalawa, kinaladkad nila si Jason at ilan sa mga kapatid at iniharap sa mga pinuno ng lunsod. Ganito ang kanilang sigaw: “Ang ating lunsod ay napasok ng mga taong nanggugulo kahit saan makarating,
7 at sila’y pinatuloy ni Jason. Nilabag nilang lahat ang mga batas ng Emperador. Sinasabi nilang may iba pang hari na ang pangala’y Jesus.”
8 Kaya’t nagulo ang taong-bayan at ang mga pinuno ng lunsod dahil sa sigawang ito.
9 Si Jason at ang kanyang mga kasama’y pinagpyansa ng mga pinuno bago pinalaya.
Ang Muling Pagbuhay na Gospel ay Patunggo sa Field (Mga Gawa 17:1-9)