Ang Altar na Sunugan ng Handog (Exodo 38:1-7)
1 Akasya rin ang ginamit ni Bezalel sa paggawa ng altar na sunugan ng handog. Ito’y parisukat, 2.2 metro ang haba, ganoon din ang lapad, at 1.3 metro naman ang taas.
2 Ang mga sulok nito’y nilagyan niya ng sungay na kaisang piraso ng altar, at binalot ng tanso.
3 Si Bezalel din ang gumawa ng mga kagamitang tanso para sa altar: palayok, pala, palanggana, malaking tinidor at lalagyan ng apoy.
4 Gumawa rin siya ng parilyang tanso at ikinabit sa ilalim ng baytang, sa kalahatian ng altar.
5 Gumawa siya ng apat na argolya at ikinabit sa apat na sulok ng parilya, para pagsuutan ng pampasan.
6 Akasya rin ang ginawa niyang pampasan. Binalot niya ito ng tanso
7 at isinuot sa mga argolya sa gilid ng altar. Tabla ang ginamit niya sa paggawa ng altar at ito’y may guwang sa loob.