Dios Na Nagpapagaling (Levitico 13:9-17)
9 “Ang sinumang magkaroon ng sakit na ito ay dapat dalhin sa pari
10 para masuri. Sisiyasatin ito at kung ang namamagang balat ay mamuti at magnaknak at ang balahibo nito ay mamuti rin,
11 hindi na siya ihihiwalay pa sapagkat tiyak ngang siya’y marumi.
12 Kung kumalat ito sa buong katawan,
13 sisiyasatin siya ng pari at kung naging maputing lahat ang balat niya, ipahahayag siyang malinis.
14 Subalit sa sandaling magbalik ang dating kulay at ang balat ay muling magsugat-sugat, ituturing siyang marumi.
15 Sisiyasatin siya ng pari at kung gayon nga ang makita rito, ipahahayag nitong marumi ang taong iyon. Ang paglitaw ng mga sugat ay tanda na ang taong iyon ay may sakit sa balat na parang ketong at siya ay maituturing na marumi.
16 Kung sakaling gumaling ang sugat at pumuti ang balat, dapat siyang pumunta sa pari
17 upang muling magpasuri. Kung makita ng pari na ang kanyang sugat ay pumuti, ipahahayag siyang magaling na. Malinis na siya ayon sa rituwal.