January 17, 2021 Ang Araw Na Binago ang Mundo (Mga Bilang 28:16-25)
16 “Ang ika-14 na araw ng unang buwan ay Pista ng Paskwa ni Yahweh.
17 Ang ika-15 araw ang simula ng pista, at pitong araw kayong kakain ng tinapay na walang pampaalsa.
18 Sa unang araw, magdaraos kayo ng banal na pagpupulong. Huwag kayong magtatrabaho sa araw na iyon.
19 Sa halip, magdala kayo ng handog na susunugin. Ito ang ihahandog ninyo: dalawang batang toro, isang lalaking tupa at pitong tupang tig-iisang taóng gulang at walang kapintasan.
20 Ito’y sasamahan ninyo ng handog na pagkaing butil: isa’t kalahating salop ng harina na minasa sa langis para sa bawat toro, isang salop sa bawat lalaking tupa
21 at kalahating salop sa bawat batang tupa.
22 Maghahandog din kayo ng isang kambing na lalaki para sa katubusan ng kasalanan ng bayan.
23 Ang mga ito’y ihahandog ninyo bukod pa sa pang-araw-araw na handog.
24 Sa loob ng pitong araw, iyan ang mga handog na inyong susunugin, isang mabangong samyo para sa akin. Ito’y inyong gagawin maliban pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog at sa inuming handog.
25 Sa ikapitong araw, magdaraos muli kayo ng banal na pagpupulong. Huwag kayong magtatrabaho sa araw na iyon.