May 16, 2021 Maranasan Ninyo Ang Paskwa (Deuteronomio 16:1-8)
1 “Ipagdiwang ninyo ang unang buwan at ganapin ang Paskwa para kay Yahweh na inyong Diyos, sapagkat unang buwan nang ilabas niya kayo sa Egipto.
2 Mag-aalay kayo ng tupa o baka bilang handog na pampaskwa sa lugar na pipiliin niya.
3 Sa pagkain ninyo ng handog na ito, huwag ninyong sasamahan ng tinapay na may pampaalsa; sa loob ng pitong araw, ang kakainin ninyo ay tinapay na walang pampaalsa, ang tinapay ng pagtitiis. Gagawin ninyo ito bilang pag-alala sa inyong pag-alis sa Egipto.
4 Sa loob ng pitong araw na iyon, hindi dapat magkaroon ng pampaalsa sa nasasakupan ng inyong lupain. Huwag din ninyong pababayaang umagahin ang kahit kapiraso ng inihandog ninyo sa gabi.
5 Ang paghahandog ay huwag ninyong gagawin sa loob ng inyu-inyong bayan,
6 kundi sa lugar lamang na pipiliin ni Yahweh. Ito’y iaalay ninyo paglubog ng araw, sa oras ng pag-alis ninyo noon sa Egipto.
7 Doon ninyo ito iluluto at kakainin sa lugar na pipiliin niya. Kinaumagahan, babalik na kayo sa inyu-inyong tolda.
8 Anim na araw na hindi kayo kakain ng tinapay na may pampaalsa. Sa ikapitong araw, magdaraos kayo ng banal na pagpupulong; sinuma’y huwag magtatrabaho sa araw na iyon.