Ang buhay ni Haring Ezechias (2Mga Hari 18:1-7)
1 Nangyari nga, nang ikatlong taon ni Oseas na anak ni Ela na hari sa Israel, na si Ezechias na anak ni Achaz na hari sa Juda ay nagpasimulang maghari.
2 May dalawangpu’t limang taon siya nang magpasimulang maghari; at siya’y nagharing dalawangpu’t siyam na taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Abi na anak ni Zacharias.
3 At siya’y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ni David na kaniyang magulang.
4 Kaniyang inalis ang mga mataas na dako, at sinira ang mga haligi, at ibinagsak ang mga Asera: at kaniyang pinagputolputol ang ahas na tanso na ginawa ni Moises; sapagka’t hanggang sa mga araw na yaon ay pinagsusunugan ng kamangyan ng mga anak ni Israel; at pinanganlang Nehustan.
5 Siya’y tumiwala sa Panginoon, na Dios ng Israel; na anopa’t nang mamatay siya ay walang naging gaya niya sa lahat ng hari sa Juda, o sa nangauna man sa kaniya.
6 Sapagka’t siya’y lumakip sa Panginoon; siya’y hindi humiwalay ng pagsunod sa kaniya, kundi iningatan ang kaniyang mga utos na iniutos ng Panginoon kay Moises.
7 At ang Panginoon ay sumasa kaniya; saan man siya lumabas ay gumiginhawa siya; at siya’y nanghimagsik laban sa hari sa Asiria, at hindi niya pinaglingkuran.
Pingback: order prescriptions online without doctor
Pingback: generic albuterol inhaler
Pingback: order naltrexone
Pingback: viagra pills
Pingback: cialis online no prescription
Pingback: cialis without a doctor prescription
Pingback: cialis coupon
Pingback: gay dating sim game grumps