October 11, 2020 Centro sa Toldang Tipanan (Mga Bilang 2:1-9)
1 Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron:
2 Ang mga Israelita’y magtatayo ng kanilang tolda sa paligid ng Toldang Tipanan sa labas ng hanay ng mga Levita, at bawat angkan ay sama-sama sa ilalim ng kanilang watawat.
3-8 Sa gawing silangan magkakampo ang pangkat ng mga lipi ni Juda, Isacar, at Zebulun:
Juda Naason na anak ni Aminadab 74,600
Isacar Nathanael na anak ni Zuar 54,400
Zebulun Eliab na anak ni Helon 57,400
9 Ang kabuuan ng pangkat na ito ay 186,400. Sila ang mauuna sa bawat paglakad.